Manila, Philippines – Hiniling ni Deputy Majority Leader Ron Salo sa gobyerno ang full-transparency sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law na nag-aalis ng limistasyon sa ini-import na bigas.
Kasunod nito ay pinatutukoy ni Salo sa Department of Finance ang lahat ng rice importer na makikibahagi sa bagong sistema ng pag-aangkat ng bigas.
Tinukoy ng mambabatas ang kahalagahan ng full-transparency sa implementasyon ng batas para mawala ang duda ng publiko.
Ilan kasi sa mga pinangangambahan ng marami ay ang pamamayagpag dito ng mga rice cartels, pagtaas ng presyo ng bigas at pagbagsak ng mga local farmers.
Sabi ni Salo, dapat isapubliko ang lahat ng detalye kabilang ang bawat otorisadong rice importer, ilan ang aangkatin, saan manggagaling, presyo, binayarang import duties, freight forwarder at lokasyon ng lahat ng mga bodega ng bigas.
Maaari i-upload ang naturang mga impormasyon sa websites at social media accounts ng DOF at Department of Agriculture.