Menor de Edad, Timbog sa kasong Panggagahasa!

Sta. Maria, Isabela – Dinakip ng mga otorodid ang isang estudyante na menor de edad sa kasong panggagahasa matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito kaninang umaga sa Brgy. Poblacion 3, Sta. Maria, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga kasapi ng PNP Sta. Maria sa pangunguna ni SPO4 Melanio Masigan ang menor de edad na itinago sa pangalang “Jun”, residente ng Brgy. Calamagui East, Sta. Maria, Isabela sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela dahil sa kasong rape.

Dinala na sa himpilan ng PNP Sta. Maria ang binatilyo para sa kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.


Samantala, may inirekomendang piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan na nagkakahalaga ng P120,000.00.

Facebook Comments