Transparency sa pagsagot ng mga opisiyal ng gobyerno sa tanong ng publiko, nararapat ayon sa isang obispo

Inihayag ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na nararapat lamang na sagutin ng may transparency ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga tanong ng publiko.

Ito’y kasunod ng naging sagot ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na “unchristian” ang mga nagtatanong kung bakit mabilis siyang nai-confine sa Philippine General Hospital (PGH) kahit pa may ilang COVID-19 patient ang nakapila at naghihintay.

Sa isang panayam kay Bishop Pabillo, ang mga public figure na tulad ni Roque ay dapat maging transparent sa pagsagot sa mga tao.

Aniya, kadalasang nagiging problema ay tinitira ng opisyal ng gobyerno kapag hindi nila nagustuhan ang mga nagtatanong sa halip na sagutin na lamang ito ng tama at ipaliwanag ng maayos.

Iginiit pa ng Obispo na hindi rin tama na bansagan ang mga tao o publiko na may nais malaman na impormasyon at legitimate o maayos naman ang kanilang mga tanong.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, wala rin daw dapat ikatakot ang mga opisyal ng gobyerno sa tanong ng publiko lalo na sa mga ganitonng sitwasyon na may pandemya.

Matatandaan na una na rin dumistansiya ang Department of Health (DOH) sa isyu ng mabilisang proseso o pagpapa-prioritze sa pagpunta ng kalihim sa PGH.

Facebook Comments