Nanawagan ng bukas o transparent na imbestigasyon ang mga tagasuporta ng napaslang na kapitana ng Barangay Bagong Silangan.
Ayon sa grupong Jutice for Beng Beltran, babantayan nila ang proseso ng paghahatid ng hustisya sa napatay na kapitana.
Nagtipon-tipon at nagsindi ng kandila kahapon ang grupo sa harap ng Batasan road sa tapat ng DSWD upang ipanawagan ang ibayong pagbabantay kasunod ng insidente.
Tanong ng grupo sa QCPD, paanong nakalusot ang mga mamamatay tao gayong naka full alert ang PNP at may umiiral na gun ban.
Masyado rin anilang mapang-ahas ang mga pumatay sa kapitanan dahil isinakatuparan ang pagpatay sa katanghalian tapat.
Nauna rito, na-inquest na sina Teofilo Formanes at ang magkakapatid na sina Ruel, Orlando at Joppy Juab na nahaharap sa kasong double murder at frustrated murder dahil sa pananambang kay Barangay Bagong Silangan Chairwoman Criselle Beltran at sa driver nitong si Melchor Salita noong Enero 30.