Transport caravan ngayong araw, naging matagumpay ayon sa Piston

Manila, Philippines – Tinatayang aabot sa apat na libo ang mga jeepney drivers at operators ang nakiisa sa transport caravan na pinangunahan ng Grupong PISTON sa Mendiola ngayong araw.

Ayon kay George San Mateo, National President ng grupong PISTON, patunay lamang ito na mariing tinututulan ng kanilang hanay ang jeepney modernization.

Ayon kay San Mateo, naging matagumpay ang kanialng caravan ngayong araw dahil sa dami ng mga nakiisa at nagtigil pasada para sa kilos protesta.


Ito aniya ang lalong nagpapalakas ng loob nila para ituloy ang kanilang pinaglalaban.

Dagdag pa ni San Mateo, umaaasa sila na mapansin ng pangulo at magtakda ito ng araw upang makipag dayalogo sa kanila nang personal nilang maipaabot ang kanilang mga hinaing.

Aniya, magsasagawa silang muli ng panibagong kilos protesta sa mismong araw ng State of the Nation ng Pangulo, at umaaasa sila na kahit maglabas lamang ng pahayag ang pangulo na
Panawagan ngayon ng grupo sa mga naapektuhan at maaapektuhan ng nasabing caravan,
“Pasensya na po kayo, naabala lang kayo, humihingi po kami ng pasensya pero kami po kabuhayan po ang mawawala saamin. Sana maunawaan po ng ating mananakay.”

Facebook Comments