Isinagawa sa lalawigan ng Pangasinan ang transport forum na pinangunahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 1.
Nasa 41 na transport cooperatives sa rehiyon ang nakiisa dito kabilang ang 12 kompanya ng sasakyan, accessory providers at insurance company.
Paghahanda ito sa pag-apruba ng Local Public Transport Route Plan ng Pangasinan. Kapag ito ay naaprubahan, karagdagang units at ruta ang bubuksan upang mabigyan ng solusyon ang pagdami ng mga mananakay sa probinsya.
Isa din sa layunin nito ang pagimbita sa mga transport cooperatives na suportahan ang PUV Modernization ng LTFRB at DOTR upang mapaganda ang sektor ng transportasyon sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments