GOOD NEWS: PAMBATO NG PILIPINAS, KINORONAHAN BILANG MRS.TOURISM AMBASSADRESS UNIVERSE 2022

32
Nasungkit ng isang Pangasinense na si Cyren Bales, isang 32 years old na tubong Sta. Barbara ang titulo bilang Mrs. Tourism Ambassadress Universe 2022 sa beauty pageant na Mrs. Tourism 2022 na naganap sa Bangkok, Thailand nitong nakaraang October 2,2022.
Ayon sa kanya, masaya siyang nakuha ang titulo bilang Mrs. Tourism Ambassadress.
Nagpapasalamat rin si Miss Cyrel sa lahat ng mga sumuporta sa laban niyang ito. Dagdag pa niya, hindi niya inaasahan na marami ang susuporta sa kanya.

Proud din siyang i-represent ang bansang Pilipinas. Maliban sa titulo, nasungkit din niya ang dalawang minor awards na Mrs. Photogenic at Best in Talent. |ifmnews
Facebook Comments