Imposible umanong maipatupad ang half-capacity policy sa mga Public Utility Vehicles (PUV) sa loob ng isang buwang Community Quarantine sa Metro Manila.
Ayon kay Federation of Jeepney Operator and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President Zeny Maranan, bagama’t handang sumunod sa patakaran ang mga tsuper, imposible namang mapigilan ang mga pasahero na sumakay sa mga jeep lalo na kapag rush hour.
Aniya, mangyayari lamang ito kung may mga nakaposteng pulis sa lahat ng mga titigilan ng PUVs.
Dapat din aniya na ang mga pasahero ang sitahin sa halip na ang mga driver.
Samantala, nag-uusap na aniya ang ilang jeepney operators at drivers sa posibleng pansamantalang pagbabawas ng boundary fees, pero depende ito sa case-to-case basis.
Facebook Comments