Transport group, hindi sang-ayon sa pisong tawad na hiling ng commuters group

Manila, Philippines – Bagamat batid ng transport group ang hinaing ng mga commuter, ayon kay George San Mateo, Presidente ng Grupong Piston, maintindihan rin sana ng mga ito ang pasanin ng mga drivers.

Ayon kay San Mateo, mapa piso o dalawang pisong fair hike, alam nila na mabigat na ito para sa mga commuters ngunit iginiit nito na hindi dapat ang mga driver ang pumasan ng sunod – sunod na pagtaas ng presyo ng krudo.

Ang nakikita aniya nilang solusyon sa kasalukuyan, ay una ang pagtatapyas ng 12 cent sa Value Added Tax ng produktong petrolyo.


Pangalawa, pagpasan ng Gobyerno at Oil Company ng 5 pisong discount para sa gasolina at
pangatlo pagkakaroon ng mas mahigpit na regulasyon sa pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.

Matatandaang, tumawad ng piso ang commuters group na National Center for Commuter’s Safety and Protection matapos mabalitaan na nagsusulong ng dalawang pisong fair hike ang transport group, bilang tugon sa higit 3 pisong itinaas ng presyo ng krudo nitong mga nakalipas na linggo.

Facebook Comments