Transport holiday tuloy pero, ilang mga TNVS groups, nagpasiya na na itigil na ang ikinasang pagkilos ngayong araw

Matapos makipag dialogue sa  Civil Service Commision, at Anti Red Tape Authority at DOTr, maagang tinapos ng ilang  TNVS  transport groups ang  kanilang inilunsad na transport holiday kaninang umaga.

 

Sinabi ni Ninoy Mopas, presidente ng  TNVS group Thug Philippines na matapos nilang marinig ang mga paliwanag nina CSC commissioner Aileen Lizada, Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Mark De Leon at Ernesto Perez ng Arta, ipinaubaya na nila sa kanilang mga miyembro ang pagpapasiya kung  mag online o offline sa buong araw na ito ng Lunes.

 

Ayon kay Eric Gabriel Fernandez, presidente ng Transport Network Vehicle, nakamit na nila ang layunin ng kanilang pagkilos partikular ang pagkuha sa pansin ng LTFRB para marinig ang kanilang mga demands o hinihinging kondisyon.


 

Una nang inanunsyo ng LTFRB makikipag diyalogo sila bukas  sa mga TNVS operators, mga TNCs at sa lahat stakeholders upang pag usapan ang sinasabing pahirap policies” ng ahensya

 

Inihayag naman ng Grab Philippines na walang naging epekto ang isinagawang transport holiday dahil mayroong operasyon o walang pagkukulang sa serbisyo ng TNVS simula kaninang umaga.

Facebook Comments