Transport network companies, pinare-regulate

Manila, Philippines – Hiniling na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso na i-regulate ang mga Transport Network Companies o TNCs gaya ng Uber at Grab.

Ito ay kasunod ng naging kautusan ng LTFRB na suspendihin ang operasyon ng UBER at GRAB dahil sa kawalan ng legal framework at permit para makapag-operate ang mga ito.

Sa House Bill 6009 o Transportation Network Services Act na inihain nila Davao City Rep. Karlo Nograles at PBA PL Rep. Jericho Nograles, para matigil na ang deadlock sa pagitan ng TNCs at ng LTFRB, pinare-regulate na ng mga mambabatas ang Uber at Grab upang may magtakda na ng malinaw na requirements, guidelines at standards sa kanilang operasyon.


Panahon na anila na magkaroon ng batas para sa pamamahala ng operasyon ng TNCs upang hindi nasasakripisyo ang kapakanan ng mga commuters.

Giit ng mga kongresista, bago lamang din ang konsepto ng TNC sa bansa at hindi applicable sa mga ito ang kasalukuyang rules para sa public transport kaya kinakailangan ng hiwalay na regulasyon para dito.

Sa ilalim pa ng panukala, obligado ang mga TNCs na mag-secure ng permit sa LTFRB bilang bahagi ng kanilang requirements at ang mga drivers naman nito ay dapat na sumunod sa itinatakda ng batas.

Pinatitiyak naman sa LTFRB na magagawa nito ang mandato na ang lahat ng uri ng public transportation ay may kaukulang permit bago payagang makabyahe.

 

Facebook Comments