TRANSPORT NETWORK COMPANY | Aplikasyon sa pag-operate ng ‘HYPE’ aaprubahan na ng LTFRB ngayong araw

Manila, Philippines – Pagtitibayin na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang application for accreditation ng bagong player sa Transport Network Company sa bansa.

Sa interview ng media sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra na para maalis na ang pangamba ng publiko na magtataas pa ang pamasahe dahil iisang dambuhalang kumpanya ang option lamang at walang pagpipilian ang publiko.

Ang pahayag ng pinuno ng LTFRB ay kasunod ng inaalmahan ni PBA Party-List Rep. Jericho Nogales na ilegal na paniningil ng two-peso per minute travel charge ng Grab Philippines.


Ayon kay chairman Delgra, kung siya lamang ang masusunod ay agad nang mabigyan ng permit to operate ang iba pang tatlong TNCs na nagnanais na pumasok bilang transport network vehicle service.

Ang tinutukoy ni chairman Delgra na bagong TNC ay ang Hype.

Naka-pending pa sa ngayon at nagku-kumpleto ng kailangang mga requirement ang tatlong iba pa gaya ng Owto, Go Lag at I-Para.

Sa hearing na isinagawa kanina sa LTFRB laban sa Grab Philippines, iginiit ni Partylist Cong. Nograles na obligahin ang Grab na ibalik sa commuters ang mahigit tatlong bilyong pisong umano’y iligal nitong siningil nang walang approval mula sa LTFRB.

Facebook Comments