Pinangangambahan ngayon ng transport sector sa lalawigan ng Pangasinan sa posibleng mabawasan at mawalan ang mga ito ng trabaho at pagkakakitaan dahil sa panukalang pagbawas ng bilang ng mga jeepneys na namamasada sa isang partikular na ruta ng mga ito, batay sa ginawang pag aaral ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board.
Ayon kay AUTOPRO Pangasinan President Bernard Tuliao, gumawa ang Provincial Planning and Development Office ng isang Local Public Transport Route Plan kung saan pinag aralan ang bilang ng pampasaherong sasakyan na namamasada at umiikot sa isang ruta.
Isinagawa ang pag aaral na ito alinsunod sa pa sa nailabas na memorandum circular na inilabas ng LTFRB Head Office taong 2017.
Tinutulan naman ito ng AUTOPRO at iba pang transport sector dahil sa kakulangan ng konsultasyon sa kanilang hanay.
Nagkaroon naman ng pagpupulong ang hanay ng LTFRB, DoTR, Provincial Legal Office at Provincial Planning Development Office at ibang kinatawan ng transport sector ng Pangasinan na kung saan may mga lugar na hindi nadadaanan ng mga jeepneys at binigyan ng bago ruta habang ang mga ruta at lugar na sobra ang bilang ng mga jeepneys na bumabiyahe ay kanilang babawasan.
Siniguro naman ng LTFRB na dagdagan ang support programs para sa mga drayber na mabibilang sa displacement katulad na ng mga livelihood programs. | ifmnews