Transport strike, hindi masyadong nakaapekto sa publiko – LTFRB; Grupong Stop and Go, pumalag!

Manila, Philippines – Minimal lamang ang epekto ng ikinasang transport strike ng Stop and Go Coalition ngayon araw.

Sinabi ni Atty. Aileen Lizada, spokesperson ng LTFRB na batay sa pinakahuling datos ,nasa 5,600 na mga pasahero ang nai-stranded dahil sa tigil-pasada ng mga miyembro ng Stop and Go.

Aniya, nasa 0.3% lamang ng kabuuang sampung milyong PUJ riders, at hindi man lamang umabot aniya ng isang porsyento.


Ayon kay Lizada, bagamat may mga lugar sa Quezon City na pahirapan ang pagsakay sa jeep, hindi naman aniya naparalisa ang biyahe dahil maraming driver ang hindi sumama sa tigil-pasada.

Dagdag pa ni Lizada, malaking tulong ang libreng sakay, na pinagkaloob ng pamahalaan na maaga pa lamang aniya ay nasa strategic area na para sumaklolo sa mga pasaherong walang masakyan.

Umabot naman sa 3,540 na mga pasahero ang naisakay sa mga dinispatch na sasakyan ng gobyerno.

Facebook Comments