
Suportado ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ang ikinasang nationwide transport strike ngayong araw.
Para kay Tinio, makatwiran ang pagsasagawa ng transport strike bilang tugon sa kabiguan ng administrasyon na makapagbigay ng sapat na tulong sa sektor ng pampublikong transportasyon sa harap ng tumataas na presyo ng langis.
Ayon kay Tinio, ang ipinangakong ayuda ay hindi pa rin natatanggap ng mga tsuper kahit ilang linggo na silang apektado ng sunod-sunod na oil price hikes.
Dismayado rin si Tinio na tinabla ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahit kakarampot na dagdag-pasahe.
Bunsod nito, iginiit ni Tinio sa pamahalaan at sa Kongreso na pabilisin ang pagtugon at gawing makabuluhan ang mga hakbang tulad ng pagtanggal sa buwis sa langis, pagpigil sa pananamantala ng oil cartel, at pagbasura sa deregulasyon.










