Manila, Philippines – Lilimitahan ng Metro Rail Transit – 3 ang oras ng operasyon nito ngayong holiday season.
Sa December 24 at December 31, alas 4:45 pa lang ng umaga, bukas na ang operasyon ng MRT pero alas 8:24 ng gabi ang huling biyahe ng tren.
Sa araw naman ng Pasko at Bagong Taon, tatakbo ang unang biyahe ng tren simula alas 6:30 ng umaga hanggang alas 9:50 n gabi.
At sa December 30, Rizal Day, alas 4:45 ng umaga ang unang biyahe sa North Avenue station habang ang huling alis ng tren sa Taft Avenue ay alas 9:50 ng gabi.
Facebook Comments