Manila, Philippines – Pinag-aaralan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung paano mapapagaan ang daloy ng trapiko sa Metro Manila lalo at palapit na ang ber months.
Aminado si MMDA EDSA Traffic Chief Bong Nebrija na nakakaalarma na dahil ngayon pa lang ay parang ‘ber’ months na ang tindi ng trapik.
Sa trapik monitoring ng MMDA lumalabas na 300,000 hanggang 400,000 sasakyan ang dumaraan sa EDSA kada araw.
Sinabi ni Nebrija na noong bago pa lang siya sa pwesto 200,000 lang ang dumadaan sa EDSA.
Samantala sa ngayon ang tanging magagawa lamang nila ay mapaganda ang daloy ng sasakyan sa mga Mabuhay lane.
Habang umaasa din sila na maisabatas ang panukalang pagbabawal sa pagbili ng sasakyan kung wala naman itong parking.
Facebook Comments