TRASLACION 2018 | Mga dayuhan na galing ng iba’t-ibang bansa, dadayo sa traslacion ng Nazareno

Manila, Philippines – Tinatayang nasa 700 mga dayuhan ang mag oobserba sa traslacion 2018.

Ito ang kinumpirma ng pamahalaang lokal ng Maynila, alinsunod sa Manila International Pilgrimage of the Black Nazarene kayat maging ang kanilang seguridad ay kasama sa binibigyang tuon ng pulisya at ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council.

Ilan sa mga dahuhang mga observers at mga dayuhang mamamahayag ay tutuloy sa mga kilalang hotels sa kahabaan ng Roxas Blvd.


Tinuran ni Jhonny Yu Director ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office na kabilang sa mga inaasahang dumating ay mula sa Estados Unidos, Hongkong, Taiwan, Singapore,Japan at ilan ay mula sa European countries.

Bagamat walang matatawag na external threat dahil sa inaasahang 15-22 milliong mga deboto na lalahok sa limang araw na selebrasyon, hindi maiaalis ang paghahanda sa tinatawag na worst case scenario.

Sa panig aniya ng volunteers, tinatayang mahigit sa 4,000 mga Medics, Fire Volunteers, Rescuers at Phil. Red Cross volunteers ang tutulong sa kabuuan ng selebrasyon ng Traslacion 2018.

Facebook Comments