Manila Philippines – Ilang mga kalsada sa Quiapo, Maynila ang isasara sa mga motorista bukas para sa prusisyon ng mga replika ng Black Nazarene.
Ayon sa Manila District Traffic Enforcement Unit, mula alas-11 ng umaga bukas,January 7 ay sarado na sa daloy ng trapiko ang: Southbound lane ng Quezon Boulevard mula A. Mendoza patungo ng Plaza Miranda; gayundin ang eastbound lane ng CM Recto Avenue mula Rizal Avenue patungo ng SH Loyola Street at Westbound Lane ng España Boulevard mula P. Campa patungong Lerma Street.
Pinapayuhan naman ang mga motoristang magmumula ng Espana Boulevard patungo ng Roxas Boulevard, Pier South o Taft Avenue, na kumanan sa P. Campa at diretso sa Fugoso Street patungo sa destinasyon.
Para naman sa mga magmumula sa A. Mendoza na patungo sa Quezon Boulevard, kumanan lamang sa Fugoso, kaliwa sa Rizal Avenue patungo sa destinasyon.
Sa mga motorista na dadaan ng SH Loyola at magmumula sa Balic-Balic area patungo ng Quiapo, pinapayuhan sila na kumanan sa CM Recto Avenue patungo sa destinasyon.
Ang prusisyon ng mga replika ng Poong Itim na Nazareno ay magmumula sa Plaza Miranda, kaliwa sa Quezon Boulevard; kaliwa sa Gonzalo Puyat; kanan sa Evangelista Street; kanan sa Recto Avenue; kanan sa Loyola Street; kanan sa Bilibid Viejo diretso sa Puyat; kaliwa sa Guzman Street; kanan sa Hidalgo Street; kaliwa sa Barbosa Street; kanan sa Globo de Oro; kanan uli sa Palanca Street; kanan sa Villalobos at diretso pabalik ng Plaza Miranda.