Manila, Philippines – Handang handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pista ng Itim na Nazareno sa Enero a-9.
Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng MMDA, bukod sa command center na kanilang ipoposte sa Quirino Grandstand, ide-deploy din nila si “Aguila” ang kanilang mobile command centre.
Layo nitong imonitor ang mga kaganapan sa pista ng Nazareno mula umpisa hanggang maibalik ang Poong Nazareno sa Basilica Minor.
Maliban dito mayroon ding mga CCTV cameras ang nakalagay sa Quirino grandstand, Quiapo church at ilang ruta ng Traslacion.
Nakahanda narin aniya ang mga orange barriers sa Quirino grandstand para sa isasagawang banal na misa at ang tradisyunal na pahalik.
Samantala, magtatalaga din aniya ang MMDA ng 2 rubber at ferry boats sa ilalim ng Jones bridge para kung may mahulog o tumalong deboto sa ilog ay agad itong masasagip.