Mga bakwit sa Datu Unsay muling nakatanggap ng tulong

*Muling nagpaabot ng tulong ang Provincial Government ng Maguindanao sa mga residenteng lumikas bunsod sa nagpapatuloy na tensyon sa bahagi ng Datu Unsay sa Maguindanao.*

*Muling buwis buhay ang ginawa ng mga kawani ng Peoples Medical Team sa pangunguna ni Lynette Estandarte para lamang maibigay ang mga food packs na kinabibilangan ng bigas, delata at kape para sa mahigit 300 pamilyang apektado .*

*Isinagawa ang relief distribution sa Municipal Gym ng Datu Unsay na pansamatalang tinutulyan ng mga bakwit . Ito na ang ika labing isang araw ng paglikas ng mga residente na karamihan ay mga nagmumula sa Teduray Community.*


*Matatandaang nagsimula ang tensyon noong mismong araw ng pasko na nagresulta na sa pagkakasunog ng higit dalawampung tahanan at pagkakaperwisyo ng daang daang pamilya.*

*Hindi pa rin matiyak kung kelan muling makakabalik sa kani kanilang mga pamamahay ang mga bakwit bunsod na rin sa mayat mayang pambubulabog ng mga armado.*

Facebook Comments