TRASLACION 2018 | NDRRMC, naka-blue alert na

Manila, Philippines – Nasa blue alert status na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang paghandaan ang gagawing taunang traslacion ng poong itim na Nazareno.

Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan imo-monitor ng ibat ibang ahensya ng pamahalaan ang okasyon sa mismong operation center ng NDRRMC sa Camp Aguinaldo.

Ito upang agad na makaresponde sa mga emergency situation habang ginaganap ang Traslacion.


Kabilang sa mga ahensyang kasama ng NDRRMC na tututok sa aktibidad ay ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Department of Health, Department of Public Works and Highways at iba pang ahensya.

Nakaalerto na rin aniya ang National Emergency Telecommunication team para sa mabilisang aksyon sa usapin ng komunikasyon.

Bukod sa National office ng NDRRMC, isasailaim sa red alert status ang local disaster risk reduction office na tututok sa pangangailan ng mga debotong dadagsa sa prusisyon patungo sa simbahan ng Quiapo.

Facebook Comments