TRASLACION 2018 | Pagkukumpuni ng sirang kalsada, ipinanawagang madaliin

Manila, Philippines – Nanawagan ang mga deboto ng Poong Nazareno sa Department of Public Works and Highway na madaliin ang pagkukumpuni ng mga sirang kalsada sa kahabaan ng Padre Burgos Street, Ermita, Manila.

Mangangamba ang mga deboto at motorista sa mga nakausling mga bakal, bukas na imburnal na napakadelikado sa araw ng Traslacion sa imahe ng Itim na Nazareno.

Sa pag-iikot ng DZXL, napapansin ang nakatiwangwang na proyekto ng DPWH sa kahabaan ng Padre Burgos Street malapit sa harapan ng Manila City Hall sa dadaanan ng Traslacion ng imahe ng Poong Nazareno.


Facebook Comments