TRASLACION 2018 | Philippine Red Cross, handang-handa na rin

Manila, Philippines – Kasunod ng inaasahang dagat ng tao kasabay ng pista ng Itim na Nazareno sa Enero a-9, 100% nang handa ang mga personnel at volunteers ng Philippine Red Cross para sa nasabing religious activity.

Bago ang mismong araw ng Traslacion, nakapwesto na ang 44 nilang ambulansya, 9 first aid stations, emergency medical unit, amphibian, isang 6×6 truck, fire truck, rescue truck, 2 humvees, 4 plastic boats, welfare desks at 2,000 nilang personnel at volunteers.

Lahat din ng PRC chapters sa Metro Manila ay lalahok at makikiisa sa pista habang ang kalapit na PRC Chapters ay naka standby.


Samantala, ang first aid stations at welfare desks ay ippwesto sa Aquino monument, Round table (Manila City Hall), Liwasang Bonifacio, Plaza Mexico (Post Office), Lacson (Sta Cruz area), San Sebastian, Jones Bridge at Quiapo Church.
Kasunod nito 11 ospital naman ang tinukoy ng DOH kung saan dadalhin ang mga masusugatang mga deboto kabilang dito ang Jose Fabella Hospital, Jose Reyes Hospital, San Lazaro Hospital, Tondo Medical Center, Ospital ng Tondo, Ospital ng Sampaloc, Gat Andres Medical Center, Justice Abad Santos Memorial Medical Center, Sta. Ana Hospital, Philippine General Hospital, at Ospital ng Maynila.

Facebook Comments