COMPROMISE AGREEMENT | SOJ Aguirre, aalamin ang laman ng proposal ni Atty. Lozano

Manila, Philippines – Blangko pa sa ngayon ang Department of Justice (DOJ) sa nilalaman ng sinasabing proposal na compromise agreement ng Marcos loyalist na si Atty. Oliver Lozano.

Sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, wala siyang ideya sa sinasabing compromise agreement ng Pamilya Marcos at ng pamahalaan.

Wala rin aniyang direktiba ang Malakanyang sa DOJ hinggil sa nasabing usapin.


Hindi rin aniya ito natatalakay pa sa cabinet meeting.

Gayunman, sinabi ni Aguirre na bilang bahagi ng kanyang tungkukin ay aalamin niya ang nilalaman ng naturang compromise agreement

Facebook Comments