TRASLACION 2018 | Poong Nazareno, gabay para sa magkaisa ang mga Pilipino

Manila, Philippines – Buo ang paniniwala ni Liberal Party o LP President Senator Kiko Pangilinan na ang Poong Nazareno ay gabay para sa pagkakaisa ng mamamayang laban sa kawalang katarungan, hindi pagkakapantay pantay at hindi pagpapahalaga sa karapatang pantao.

Ayon kay Pangilinan, maihahalintulad din ang mga pinagdaanan ng Poong Nazareno sa buhay ng mga Pilipino na marami ang pagdurusa, pero nananatiling matatag.

Ang Poong Nazareno aniya ay katulad din ng mga Pilipino na nagdurusa dahil nagmamahal ng kapwa.


Diin ni Pangilinan, anuman ang pasanin natin at pagtitiis ay matatapos din kung tayo ay nakakaisa katulad ng sama-samang paghila ng lubid ng andas.

Facebook Comments