TRASLACION 2018 | Posibleng pag-atake ng lone wolf, paghahandaan rin ng PNP

Manila, Philippines – Hindi inaalis na National Capital Region Police Office (NCRPO) ang posibilidad na pag-atake ng lone wolf sa gaganaping Traslacion ng Poong Itim na Nazareno sa January 9, 2018.

Kaya naman ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, may mga nakasibilyang pulis at sundalo na nakakalat sa mga pagdarausan ng prusisyon.

Hindi lamang aniya ang AFP ang katuwang nila sa pagbabantay sa prusisyon at iba pang aktibidad may kinalaman sa traslacion dahil katuwang rin nila ang National Intelligence Coordinating Agency o NICA.


Maglalagay rin daw sila ng mga snipers sa mga matatas na gusaling dadaanan ng prusisyon at may papaliparin rin silang mga drones para imonitor ang bawat galaw ng mga deboto.

Panawagan naman ni Albayalde sa mga deboto na maging mapagmatyag sa kanilang paligid at kung may kapansin pansin Kahina hinalang bagay o tao agad itong ireport sa mga awtoridad.

Facebook Comments