Travel advisory ng U.K. sa Pilipinas, normal lang – DFA

Manila, Philippines – Hindi minamasama ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr ang inilabas na travel advisory ng United Kingdom kasunod ng pagsabog sa isang mall sa Cotabato City.

Ayon kay Locsin, fair warning ito ng naturang mga bansa sa kanilang mga mamamayan.

Sa travel advisory na inisyu ng UK, pinagsabihan ang mga Briton na huwag tumungo sa Western at Central Mindanao gayundin sa Sulu archipelago at ilang bahagi ng Cebu dahil sa mga terrorist activity at sagupaan ng military at mga rebeldeng grupo.


Inungkat din sa kanilang travel advisory ang paghihigpit ngayon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kasunod ng puna ng Transport Security Administration (TSA) ng Estados Unidos na kapos ang pagpapatupad ng seguridad sa paliparan.

Facebook Comments