Isang milyong bagong trabaho, target ilikha ng DOLE

80

Higit isang milyong trabaho ang target na malikha ng Department of Labor and Employment (DOLE) ngayong taon.

Ayon sa DOLE, ito ay dahil sa patuloy na pagbubukas ng oportunidad ng programa ng gobyerno na “build, build, build” gayundin ang nalalapit na eleksyon sa Mayo.


Sinabi ni DOLE-Bureau of Local Employment Director Nikki Tutay, malaki ang magiging pangangailangan sa industriya ng manufacturing, wholesale at retail, services, transportation at logistics sectors.

Mayroon din aniyang mga oportunidad na binuksan ang gobyerno gaya ng pagiging guro, pulis at sundalo.

Facebook Comments

From Advertisers