Travel ban sa China at posibleng pagpapatupad ng repatriation sa mga kababayan nating nasa mga bansang tinamaan ng nCov, pag-uusapan ng pamahalaan

Nakatakdang magpulong ang Department of Health at Department of Foreign Affairs para talakayin ang tungkol sa posibleng pag-papauwi sa ating mga kababayang nasa mga lugar na apektado ng corona virus.

 

Sa laging handa press briefing sa Malacanang, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na kanilang pagdidiskusyunan ni Foreign Affairs Sec. Teddy Locsin kung makabubuti bang magpatupad ng repatriation o hindi.

 

Ito’y sa harap narin ng posibilidad na baka makalusot at makapasok sa bansa ang nCov.


 

Bukod sa isyu ng repatriation, posibe ding matalakay ang pag iisyu ng travel ban sa China.

 

Tiniyak naman ni Duque na nakalatag ang mga hakbangin ng pamahalaan sa gitna ng pagsisikap na manatiling corona virus free ang bansa kabilang dito ang mahigpit na pagmo-monitor sa mga pasaherong galing ng mga bansang may kaso ng nCov.

Facebook Comments