Mananatili pa ring sarado ang border ng Pilipinas sa ilang bansa sa South Asia tulad ng Nepal, Bangladesh at Pakistan.
Ito ay upang maiwasan ang pagpasok ng double-mutant ng COVID-19 mula sa India na itinuturing na mapanganib.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, kahit magbalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus areas ay hindi pa rin pinapayagan ang turista kung saan ang mga dayuhan lamang na may investor’s data ang pwedeng makapasok sa bansa.
Epektibo ang travel ban hanggang May 14 ngunit posibleng ma-extend pa ito.
Facebook Comments