Travel ban sa mga Chinese galing China, umani ng suporta sa mga Senador

Buo ang suporta ni Senate President Tito Sotto III sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Dutere na ipagbawal ang pagpasok sa bansa ng mga Chinese Nationals mula sa Hubei, China kung saan nagmula ang Coronavirus.

Diin naman ni Senate President pro tempore Ralph Recto, mauunawaan ng China ang hakbang ng Pilipinas habang nananatili ang krisis sa Coronavirus.

Si Senator Christopher Bong Go naman ay mismong nagrekomenda kay Pangulong Duterte ng temporary travel ban sa mga Chinese para maprotektahan ang mamamayang pilipino laban sa Coronavirus.


Ayon kay Senator Joel Villanueva, tama lang na iprayoridad ang kaligtasan at proteksyon ng mamamayang pilipino laban sa malubhang sakit.

Nauna ng iminungkahi ni Senator Risa Hontiveros ang 30 araw na travel ban hindi lang sa mga lalapag sa paliparan galing China kundi pati sa mga sakay ng cruise ships na dadaong sa atin.

Si Senator Francis Kiko Pangilinan naman, iginiit pa na kung hindi maipagbabawal ang mga Chinese ay mainam na idiretso na lang sila sa malakanyang paglapag sa paliparan.

Sabi naman ni Senator Cyntha Villar, mabuti ang deriktiba ni Pangulong Duterte hanggat hindi nawawala ang outbreak sa China.

Dagdag pa ni Villar, hindi ito maituturing na discriminasyon sa mamamayan ng China kundi pagpapahalaga sa buhay at kalusugan ng mamamayang Filipino.

Facebook Comments