Manila, Philippines – Dahil sa matagal na pagsusumite ng mga travel liquidation reports, kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang 33 empleyado ng Office of the Vice President (ovp).
Bukod sa matagal na pagsusumite ng travel liquidation reports, sinabi pa ng COA na sobra ang cash advance na ginawa ng mga ito na nagkakahalaga ng higit P465,000.
Ayon sa 2017 audit report sa OVP, ang mga personnel ay gumastos ng kabuuang halaga na P27.4 million kung saan P26.4 million ay sa local trips at higit P953,000 sa foreign trips.
Pero wala pang ipinapasang liquidation reports na dapat daw ay nakapagsumite na ang mga ito liquidation ng domestic at international travels sa loob ng 30 araw at 60 araw pagbalik nila sa trabaho.
Sinabi pa ng COA na delayed ng mula 2 araw hanggang higit 3 buwan ang liquidation reports ng 33 OVP personnel at bigo rin na mag-refund ng kanilang sobrang cash advances noong nakaraang taon na nasa pagitan ng P158 at P62,018.