Pinalawak pa ng Bureau of Immigration (BI) ang travel restrictions sa mga dayuhang manggagaling sa mga bansang may kaso ng mas nakakahawang variant ng COVID-19.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, natanggap na nila ang utos mula sa Malacañang kung saan ang mga banyagang pasahero mula sa Pakistan, Jamaica, Luxembourg, Oman at sa China ay hindi maaaring pumasok sa bansa.
Ang mga dayuhang nanggaling sa mga nabanggit na bansa sa loob ng 14 na araw mula sa kanilang pagdating sa Pilipinas ay hindi kasama sa hinigpitan.
Ang mga Pilipinong magmumula sa mga nasabing bansa ay papayagang pumasok pero sasailallim sa mandatory 14-day quarantine.
Sa ngayon, aabot na sa 33 bansa ang inilagay sa travel restricted countries ng Pilipinas.
Magtatagal ang travel restrictions hanggang January 15 maliban na lamang kung mapagpasyahan ng Malacañang o Inter-Agency Task Force (IATF) na palawigin ito.