Muling pinalawig ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang travel ban sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman na mapapaso sa Hulyo 15.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang ban ay pinalawig hanggang July 31.
Aniya, inatasan din ng IATF ang Technical Working Group (TWG) na muling pag-aralan at magbigay ng mga rekomendasyon na nararapat sa testing at quarantine protocols para sa mga byahero ng mga nasabing bansang matutukoy na “high risk”.
Iminungkahi naman ng IATF kay Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang Indonesia sa mga bansang sakop ng travel ban ng Pilipinas.
Ang mungkahi ng IATF ay kaugnay ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Indonesia dahil sa pagkalat ng Delta variant.
Facebook Comments