Travel warning ng US, dapat seryoshin ayon kay Senator Lacson

Manila, Philippines – Iginiit ngayn ni Senator Panfilo Ping Lacson sa mga otoridad na seryosohin ang travel warning na inilabas ng US embassy kung saan nakasaad na nakatanggap sila ng ‘credible information’ na posibleng mangidnap ang mga terrorist group sa Palawan anumang oras.

Ayon kay Lacson, base sa kanyang karanasan ang mga ganitong impormasyon ay may basehan at hindi basta lumabas lang mula sa hangin.

Binigyang diin pa ni Lacson na malawak ang intelligence network ng Estados Unidos.


Naniniwala nama si Lacson na ginagawa na ngayon ng Armed Forces of the Philippines o AFP ang nararapat na hakbang kaugnay sa nabanggi in intelligence information na nakalap ng Amerika.

DZXL558

Facebook Comments