Traysikel Drayber na Nanggahasa ng Katulong sa Sta. Maria Isabela, Bagsak sa Kulungan!

Sta. Maria, Isabela – Bagsak kahapon sa kulungan ang isang traysikel drayber matapos mahuli ng mga otoridad dahil sa ginawang panghahalay nito sa kanyang katulong sa Brgy. Quinagabian, Sta. Maria, Isabela.

Sa panyam ng RMN Cauayan kay PO1 Zaldy Babaran, ang imbestigador ng Sta. Maria Police Station, sinabi niya na nahuli ang akusadong si Edwin Cureg matapos na lumabas ang waarant of arrest nito at kaagad namang isinilbi kahapon.

Aniya, buwan ng Enero noong nakaraang taon nang maganap ang panggagahasa ni Cureg sa biktima na isang dalaga.


Ang warrant of arrest ng akusado ay ipinalabas  ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan Isabela dahil sa  kasong rape ni  Cureg kung saan ay walang nairekomendang piyansa.

Samantala nasa kustodiya na ng Sta. Ana Police Station si Cureg para sa dokumentasyon bago dalhin sa court of origin nito.

Facebook Comments