Traysikel Drayber, Sugatan Matapos Pagbabarilin sa Roxas, Isabela!

311

Agad isinugod sa pagamutan ang isang traysikel drayber matapos itong pagbabarilin sa barangay Vira, Roxas, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Eduardo Teel, 46 anyos, may-asawa, habang ang suspek ay kinilalang si Ronald dela Cruz pawang mga residente sa naturang lugarat ang drayber ng motorsiklong sinakyan ng mga ito na hindi pa nakikilala.


Batay sa impormasyong ibinahagi sa RMN Cauayan ay pauwi umano si Teel lulan ang kanyang motorsiklo ng walang anu-anong binunot ng suspek ang kanyang baril at ipinutok sa biktima.

Nagtamo naman ng tama ng baril sa kanang bahagi ng kanyang dibdib si Teel kaya’t agad naman itong isinugod sa pagamutan.

Sa ngayon ay patuloy naman ang hot pursuitoperation ng PNP Roxas upang madakip at mapanagot ang mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers