Banggaan ng Bus at Motorsiklo sa San Mateo, Isabela, Isa Patay!

333

Patay ang isang lalaking lulan ng motorsiklo matapos itong aksidenteng bumangga sa kasalubong na pampasaherong bus sa brgy. Dagupan, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang nasawi na si Rodrigo Inaldo, residente ng Daramuangan, San Mateo Isabela habang ang drayber naman ng bus ay kinilalang si Jeffrey Dante, 39 anyos, may-asawa at residente ng Taloy Norte, Tuba, Banguet.


Batay sa report ay bumabaybay si Inaldo sa hilagang direksyon tahak ang Santiago-Tuguegarao Road at ng marating nito ang isang gasulinahan sa naturang lugar ay nag overtake na nagresulta sa pagkabangga nitonsa paparating na Bus.

Dahil sa lakas ng impak at tumilapon ang naturang drayber at sinubukan namang isugod sa pagamutan ng mga rumespindeng otoridad ngunit hindi na umabot ng buhay.

Agad namang dinala si Dante at ang nga sasakyan sa himpilan ng PNP San Mateo para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon

Facebook Comments

From Advertisers