Traysikel Drayber, Timbog sa Buy Bust Operation!

Reina Mercedes, Isabela- Timbog ang isang traysikel drayber matapos maglunsad ng Drug Buy Bust Operation ang PNP Reina Mercedes sa Brgy. Tallungan Reina Mercedes, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Ryan Baui Tio, 28 anyos, traysikel drayber at residente ng Brgy. Calamagui 2nd City of Ilagan.

Sa natanggap na impormasyon ng RMN Cauayan ay nadakip ang suspek matapos mag benta ng ipinagbabawal na droga sa isang nagpanggap na bibili.


Samantala, nakuha naman mula sa kanyang pag-iingat ang limang daang piso na ginamit bilang buy bust money, isang sachet ng shabu, apat na raang piso, isang piraso ng 20 pesos, isang itim na wallet na may lamang assorted documents at isang unit ng traysike.

Agad namang dinala ang suspek sa himpilan ng PNP Reina Mercedes para sa kaukulang imbestigasyon at disposisyon.

Facebook Comments