Sesentro sa usapin sa treaty agreement, paglaban sa epekto ng climate change at healthcare ang bilateral talks nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at United States President Joe Biden sa Washington D.C United States.
Sa isang panayam sinabi ng pangulo na sa nakatakda nilang pag-uusap ni US President Biden lilinawin niya ang ilang treaty agreement katulad ng Visiting Forces Agreement o VFA at Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA upang makapasagawa nang mga kaukulang adjustment.
Sa usapin naman ng climate change, sinabi ng pangulo hihingi siya ng tulong sa US para sa mga stratehiya na dapat gawin.
Sa katunayan ayon sa pangulo una nang nagpahayag ang Estados Unidos na magbibigay nang tulong na tinawag na green bond para ayusin ang mga build zone.
Sinabi pa ng pangulo hihingi rin siya ng tulong Kay US President Biden sa harap nang patuloy pag-recover ng bansa sa epekto ng pandemya.
Ayon sa pangulo, sumikat ang Pilipinas noong kasagsagan ng pandemya dahil sa galing ng mga healthcare workers kaya halos lahat nang kanyang nakakausap na mga lider ng ibang bansa ay sinabing gusto mag-hire ng mga Filipno healthworkers na malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas.
Hindi rin mawawala sa mapg-uusapan ang negosyo sa kanilang pagkikita ni US President Biden.