Mga kritiko welcome sa pamumuno ng bagong PNP chief

Siniguro ng bagong Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., na welcome sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang lider ng Pambansang Pulisya ang mga kritiko bilang independent source ng check and balance sa PNP.

Kasabay ito ng panawagan sa mga miyembro ng media ng suporta upang maihatid ang impormasyon sa publiko para sa kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Ayon kay Acorda, magiging transparent ang PNP at kailangan nito ng suporta at commitment ng lahat upang malagpasan ang mga pagsubok na kakaharapin ng organisasyon.


Dagdag pa ni Acorda, hindi niya ito magagawa na mag-isa kaya’t kailangan niya ang kooperasyon ng pulisya at taumbayan.

Kabilang sa mga nabanggit na pagtutuunan ng pansin ni Acorda bilang PNP chief ang pagpapatuloy sa pagsugpo sa iligal na droga at internal cleansing sa PNP.

Facebook Comments