TREE HUGGING CAMPAIGN, UMARANGKADA SA REGION 1

Sumasalamin sa malalim na dedikasyon sa pangangalaga sa kalikasan ang Tree Hugging Campaign na isinagawa ng Department of Environment and Natural Resources Region 1 sa Brgy. Abut, San fernando City, La Union.

Naglalayong palalimin ng tree hugging ang koneksyon ng tao sa kalikasan at magsilbing alternatibong paraan ng pagpupugay sa Araw ng mga Puso, kabilang ang pagpapalawak ng kamalayan tungkol sa proteksyon ng kagubatan.

Bukod dito, kinikilala rin ang magandang benepisyo sa kalusugan ng tree hugging na pinaniniwalaang nakakabawas ng stress.

Inaasahang magsisilbing inspirasyon ang aktibidad para sa komunidad upang mas maging aktibo sa pangangalaga ng mga puno at likas na yaman, at hikayatin ang publiko na isama ang naturang simpleng gawain sa pang-araw-araw na pamumuhay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments