Alam nating sa nagdaan na kalamidad, kailangan pa rin nating alagaan hindi lang ang ating sarili kundi pati rin ang ating kapaligiran at komunidad.Isa sa paraan ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Asingan ay nagtanim pa ng maraming seedlings upang mas makatulong sa environmental sustainability nito lamang nagdaang August 11 ngayong taong 2023.
Sa paanan ng dike ng Agno River itinanim ang ibang mga seedlings. Ang nasabing aktibidad ay bahagi ng pagdiriwang ng Arbor Day. Ang kanilang mga itinanim ay kasoy, narra atbp.
Layunin ng nasabing organisasyon na sa munting paraan ay uusbong ang pag asa para sa mas luntiang kinabukasan. Isinagawa nila ito para mas maprotektahan rin ang kanilang dike dahil matagal na nilang hinihintay na magkaroon sila ng proteksyon lalo na tuwing may baha o anumang kalamidad na dumating. |ifmnews
Facebook Comments