Ang mga fruit bearing tree na itinanim ay kinabibilangan ng wild cherry o bugnay, Philippine cherry o lubeg at calamansi.
Pinapangunahan ito ng Youth For Peace (YFP) Baggao chapter sa ilalim ng 77th Infantry Battalion, 501st Infantry Brigade, 5th Infantry Division, Philippine Army katuwang ang Sangguniang Kabataan ng Barangay Poblacion sa pangunguna ni Jonathan Magulod.
Sinabi ni Magulod na ang nasabing YLS ay bahagi ng pagdiriwang ng SK ng Linggo ng Kabataan at pagdiriwang ng International Youth Day na ipinagdiriwang noong ika-12 ng Agosto taong kasalukuyan.
Nagpapasalamat naman si Magulod kay YFP Baggao Chapter President Rona Guillermo sa pagsuporta sa mga aktibidad ng SK.
Pinasalamatan din nito ang mga kawani ng Philippine Army, Baggao Municipal Police Station, Bureau of Fire Protection, at 204th Maneuver Coy RMFB sa pagsasakatuparan sa nasabing aktibidad.