Bahagi ng 32nd Anniversary ng Bureau of Fire Protection ang isinagawang Tree Planting Activity sa bayan ng Aguilar, Pangasinan nitong August 29, 2023. Sa temang Modernong Bumbero: Kaakibat Tungo Sa Ligtas at Maunlad na Pamayanan, sama-samang nagtanim ng puno ang mga bumbero mula sa iba’t ibang fire station sa Pangasinan.
Ang Tree Planting Activity na ito ay naglalayong magbigay ng kamalayan sa maaari nitong maitulong sa pagsasaayos ng natural na balanse ng ating ecosystem at makatutulong rin sa nararanasan nating climate change.
Isang mabuting paraan din ang mga aktibidad na kagaya nito, upang mapanatili ang magandang relasyon ng mga miyembro ng bureau sa bawat isa. Samantala, isang Clean Up Drive naman ang isinagawa ng BFP Dagupan sa Tondaligan Beach, Dagupan City nitong August 30 bilang bahagi pa rin ng month long selebrasyon nila ng kanilang 32nd Anniversary. |ifmnews
Facebook Comments