Muling nagsagawa ng outreach program ang tanggapan ni BARMM MP Sittie Shahara Dimple Montañer Ibrahim-Mastura.
Isnagawa ang aktibidad sa Barangay G. T. Biruar sa bayan ng Parang, Maguindanao kahapon.
Umaabot sa walong daan katao ang nakabenepisyo ng Livelihood, Intervention on Women, Medical Assistance and Oplan Tulong o LIMO Program .
Ang LIMO na ang ibig sabihin ay Care o Malasakit ay programa ni MP Mastura na nagbibigay ng Medical services, livelihood assistance, supplemental feeding, libreng school supplies, libreng gupit at manicure, libreng tsinelas at iba pang serbisyo sa mahihirap na kababayan sa BARMM.
Samantala, nagsagawa din ng tree planting activity sa lugar na nilahukan naman ng mga mag aaral, AFP, PNP at Barangay Officials. Umaabot naman sa tatlong daang mga puno ng kahoy ang itinamin ng mga ito.
Ang mga programa ipinagkakaloob ng ni MP Mastura ay naglalayung maipaabot ang mga basic services sa mga liblib na bahagi ng rehiyon.
Matatandang una nitong tinungo ang Brgy. Nuyo sa Buldon at pinagkalooban ng ibat ibang serbisyo.
Ang naging aktibidad kahapon ay bilang pasasalamat na rin ng opisyal , kasabay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.
Pic From the FB Page of MP BDM