Cauayan City, Isabela- Hinimok ng alkalde ng bayan ng Bambang ang mga nasa transport group na magtanim muna ng puno para mabigyan ng permit na gamitin ang local government unit-operated transport terminal sa Nueva Vizcaya.
Ayon sa inihayag ni Mayor Pepito Balgos, ang nasabing hakbang ay bahagi ng kanilang intensyon na madagdagan ang bilang ng mga nag-aadvocate at supporters ng reforestation sa kanilang lugar at bilang suporta at pakikiisa na rin sa National Greening Program (NGP) ng pamahalaan.
Ang mga kukuha aniya ng permit para magamit ang Bambang Integrated Transport Hub (BITH) sa barangay Calaocan ay kinakailangan munang makapagtanim ng puno partikular sa Sitio Labni ng Barangay Mabuslo.
Una nang nakapagtanim ng 2000 mahogany seedlings ang ilang transport group kasama ang Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine National Police (PNP), Municipal Environment and Natural Reources Office (MENRO) at ng LGU’s Traffic Management Bureau (TMB).
Ang BITH ay ang sentro ng sakayan para sa mga local travellers at commuter sa probinsya.