Tree-planting requirement sa kukuha ng franchise at lisensya, suportado ng Palasyo

Suportado ng Malacañang ang panukala ng Department of Transportation (DOTr) na gawing requirement sa mga aplikante ng prangkisa o lisensya na magtanim ng puno para mapalakas ang reforestation program ng gobyeno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, magigng polisiya ang proposal ng DOTr.

Dagdag pa ni Roque, makikipag-ugnayan din sila sa Department of Education (DepEd) na i-require sa mga estudyante ang pagtatanim ng puno.


Maliban sa reforestation, ipinanukala ni Tugade ang pagpapalalim ng Cagayan River para maresolba ang pagbaha sa Cagayan Valley Region.

Una nang sinabi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na sakop ng dredging ang 30 kilometro ng ilog.

Facebook Comments