Manila, Philippines – Umarangkada na ang pre-construction ng Philippine National Railway ang preconstruction ng PNR Clark Phase 1 project mula Tutuban hanggang Malolos sa Bulacan.
Sa isinagawang groundbreaking ceremony sa Maria Socorro, Marilao, Bulacan, sinabi ni DOTR Assistant Secretary for Railways Timothy John Batan, pasisimulan na ng inter-agency at Lokal na pamahalaan ang site clearing, pag-patag ng unleveled surfaces at pagbuwag ng mga obstructing structure sa alignment ng PNR.
Ang konstruksyon ng Phase 1 ng PNR Clark Project railways system ay may 38 kilometrong segment mula sa Tutuban, Maynila patungong Malolos, Bulacan.
Magkakaroon ito ng 10 istasyon at inaasahang makapagbigay-serbisyo sa may 340,000 pasahero araw-araw at kayang marating ang Malolos, Bulacan ng 35 minuto lamang mula sa Tutuban sa Maynila
Ang proyektong ito ay alinsunod sa Build! Build! Build! Program ng Duterte administration.